Nov 23, 2013

Sayang naman kase...

Last 2011 pa pala ang huling post ko dito sa blog na ito. Sayang naman kung hahayaan ko lang na i-close ni google to. Dito nalang ako magpo-post ng entry about my baby. Deadmahin nalang ng mga readers yun name ng blog na ito. Ngayon palang humihingi akong paumanhin senyo mga readers kase kinreate ko itong blog nato nung panahong wala pakong pinagkakaabalahan. Basta makakaasa kayo na ang mga susunod na entry dito ay may katuturan na. Hosha hanggang sa muli!!

Aug 24, 2011

Problem

Since pumasok tong year na to, bigla akong nawala sa focus.
Feeling ko nag struggle ako sa lahat ng bagay.
Feeling ko nawalan ako ng kaibigan.
Feeling ko ambigat ng pinapasan ko.
Feeling ko lagi akong stress.
What is happening to me?
Alam kong ako lang makakasagot nyang mga yan eh.
Siguro dahil maraming bago sa buhay ko na unti unti akong nag aadjust?
Maraming challenges?
Hindi ko na nagagawa ang mga bagay na nakakapag pasaya or nakakatanggal ng stress ko?
Bakit hindi ko na sila nagagawa?
dahil sa pera?
Pera lang ba ang solusyon jan?
Kaibigan..?
Asan na ba kayo?
Bakit feeling ko wala nakong nakakausap na kaibigan?
Ako ba ang nagkulang at hindi nako nakikipag communicate senyo?
or iba iba na kase ang priority natin sa buhay?
Kulang lang ba ako sa tulog?

Sa Career, anong nangyayari bakit ako bumabagsak.
Hindi naman nangyayari ito before.

Sa buhay, bakit feeling ko may mabigat.
Masaya naman ako sa lovelife.

Hay ewan, feeling ko merong hindi balance.
Hindi balance ang buhay ko dahil wala nakong kachikahan.
Napag sasabihan or napag sheshare-an ng kung ano ano lang.
Kailangan ko kaibigan.
Asan na ba kayo?

Hindi naman ako nababaliw noh..

Jun 18, 2010

Lunch


Shabu shabu and Quake Overload.
The soup was prepared by Ms. Ruby, one of the managers here .
Thanks for the soup, i really enjoyed it.
Yummy ^__^




Jun 17, 2010

Changes

There will be some changes on my future entries.
I will try my best to express my feelings and emotions in english
So please bear with my grammar ^_^
Thank you

May 28, 2010

Sampal


Nararamdaman kong patapos na ang tag-init dahil nagparamdam ito sakin kanina. Dinig na dinig ko ang mga yabog at dabog ng kulog at hangin habang nakahiga ako sa aking malambot na kama. Parang pinaparating nila ang mensaheng "eto na kami nagbabalik para basain at bahain ang mga kalsada". Masaya naman ako dahil nagparamdan sila kanina pero sinindi ko padin ang aircon. Hindi dahil sa mayabang ako at may aircon ako, kundi dahil pumasok ang alimuong sa kwarto at sobrang nanakit ang aking ulo.

Ansarap matulog parang ayokong iwan ang masarap na akap sakin ng tambulolong kong unan. Pilit kong ibinangon ang aking sarili dahil ayokong magkaron ng absent sa buwan ng Mayo. Pilit kong sinuot ang aking damit na parang lumiit sa hindi ko alam na kadahilanan.

Pagsakay ng tricycle, wow ang aking nasabi. Sobrang lamig ang sarap bumyahe, sana palaging ganito pero nakakaantok. Bumaba sa Avenida at sumakay ng jeep papuntang recto. Napansin ko sa kalsada andaeng natutulog, siguro tuwang tuwa din sila dahil magiging mahimbing ang kanilang tulog.

Bumaba ng Recto at sumakay ng jeep papuntang Cubao. Sobrang harurot ng jeep na feeling nya sya si superman. Feel na feel ko ang hangin habang sinasampal nya ako ng malamig nyang palad. Parang akong hinehele para antukin pero hindi maaari dahil delikado baka hablutin ang pinakamamahal kong bag na si Hermes Violeta. Bumaba ako ng Cubao Yale at bangag na bangag habang naglalakad.

Dali dali akong sumakay ng jeep papuntang Eastwood dahil ako lang ang naglalakad sa kalye. Parang ghost town pala ang Cubao kapag malamig ang panahon. nakakatakot baka makakita ako ng multo. Pero napaisip ako, mas gugustuhin ko ng makakita ng multo kesa bumulaga sakin ang mga mas nakakatakot na mandurukot at holdaper. Eto na naman sinasampal na naman ako ng malamig na palad ng hangin.

Nakarating sa wakas sa tapat ng Citibank at tumawid papuntang IBM. Ngyon nararamdaman ko na ang epekto ng sampal. Pero bakit imbis na mukha ko ang manakit at mamanhid, bakit ang likod ko ang sobrang kirot at sakit. Siguro sinagap at nilanghap ko lahat ng hamog sa daan. Dear Ulan, namiss kita. Pero wag mo nang ibabalik si Ondoy baka kasuklaman ka namin muli. Tama na ung tamang yabang at tamang hangin at ulan lang. Welcome back ulan.

May 25, 2010

Lipat


Dito sa Eastwood ang opisina namin ngyon at dahil sa luma na ang building na inuupahan ng aming company, lilipat na kami sa Ortigas. Nagsisimula ng lumipat ang ibang department pero ihuhuli daw kami. Andae kong gamit sa locker at pati sa cube. Pano ko kaya maililipat itong mga 'to. Malamang ay iuuwi ko nalang sila sa bahay dahil malabong mabitbit ko sila sa bagong opisina.

Si Biebop ( un baboy ko) si BopBop wala na jan kase inuwi ko na nung 2008 pa (si super pig ko). Yung kamay ni Mickeymouse na pillow. Apat na basyo ng pulbos (actually anim yan nawala ang dalawa) at marami pang iba.


May 22, 2010

Puppies


Tulad ng nabanggit ko sa nauna kong entry ay gusto ko magkaron ng tuta pero takot ako mag-alaga. Kaya bumili ako ng pekeng tuta, yung hindi gumagalaw pero kasing cute ng mga totoong tuta. Pag-uwi ko sa bahay ay tuwang tuwa ang mommy ko dahil andae daw nya alaga. Nakakatuwa talaga ang nanay ko.