Mar 30, 2010

aww..


get get awww... pusang gala.. pusa ka ba para mag meow!! Ang ingay mong aninong halimaw sa banga.. ngudngod kita..

paumanhin sa makakabasa.. hindi naman talaga ako galit sa mundo.. asar lang ako dun sa pusa na meow ng meow.. ang ingay.. may kausap akong client aww ng aww..
Gusto mo bigyan kita ng pau linament.. dahil walang aww sa pau..




Epekto ng SkyFlakes


Kahapon buong shift ko ay isang sky flakes lang ang kinain ko. Todo effort para pumayat, sobrang tiis na hindi maglabas ng pera para bumili ng chicha kay manong vendong sa pantry ng opisina. Ngayon dalawang sky flakes ang baon ko para sa buong shift uli. Iniiwasan dumaan sa pantry baka makita ang paborito kong Clover cheese flavor.

Ang sabi nila, ang taong nag da-diet daw ay mainitin ang ulo. Kaya pala konting kibot lang ay iritado kagad ako. So far wala pa naman akong sinisigawan na client ko kahapon pati ngayon. Pero kapag nakikita ko si bunganga at si aninong halimaw sa banga ay umiinit ang ulo ko. Eh pano boses p*ke at palaka. Sinong hindi maiirita sa kanilang dalawa mukha pang halimaw. wooops siguro gutom lang ako.. paumanhin,...

Napaka sama ko na ba at halimaw sa banga ang tawag ko sa kanya? hindi naman siguro dahil hindi lang naman ako ang tumatawag sa kanya ng ganun...

Mar 29, 2010

Biloy

Si Nicolle Bow..

Si Nicolle ang panganay na anak ng aking kapatid na lalaki na nakakatanda sa akin.

Tulad ko, walang magawa kaya pinag tripan ang aking cellphone.
ayun gusto ipakita ang kanyang dimples na ang tagalog ay biloy na nagtatago sa kanyang bilugang pisngi.

Sabi ni Kuya Kim Atienza, ang dimples ay isang maliit na indentation sa ating laman sa parte ng ating katawan na kadalasang nakikita sa ating pisngi, baba oh puwet.
Naka ilang beses kinunan ang kanyang sarili, ayun sa wakas lumabas din ang malinggit na dimple oh biloy sa kanyang pisngi.

Congratulation pamangkin!!


Si Nicolle Bow..


Baklang Bakulaw

Dear Diary,...

Last Week Monday ay naisipan kong magpagupit dahil sa sobrang init ng panahon. Ang haba ng buhok ko ay hanggang sa bewang kapag nakatalikod. Sabi ng mom ko may salon daw sa may Pritil na maganda naman mag gupit. Ang pangalan ng salon ay Viola or Violy, sabi ko ok sige dun nalang ako papagupit.

Pagdating sa Parlor, sabi ko sa baklang mag gugupit, paki trim lang yun hair ko ng 3 inches den paki kortehan ng parang V cut. So kung ang hair ko ay hanggang bewang at kung 3 inches lang ang ibabawas.. medyo nasa bandang boobs pa ang haba ng aking hair. Ang sagot sakin ni baklitang bakulaw, Hay naku ma'am hindi babagay ang V cut senyo gawin nating soft cut. Ako naman si tanga nagtanong ng ano un soft cut. Sagot sakin ni bakulaw parang Vcut pero medyo round. Sabi ko sige basta wag masyadong maiksi.

Fowtek nagulat ako biglang ibaba ng tenga kagad ang unang putol nya.. t@ng..na marunong ba sya magsukat??!! sabi ko sige baka maganda sya mag gupit at alam nya na babagay sa hugis ng mukha ko ang gusto nyang mangyari.. inantay ko matapos ang gupit.. binlower na nya.. at sabi nya tpos na..

Pagtingin ko sa salamat.. t@ng.. na uli nasabi ko.. na murder ang buhok ko.. naging kamukha ko ang bakulaw na baklang manggugupit.. inis na inis ako pag uwi.. pero dahil may pasok pa ako ng gabi.. itinulog ko nalang ang aking pagka asar.

Pagkaligo ko siyeeeeeeeeet.. ano itong itsura ko mukha akong asong sabog.. hindi ko mapigilan ang aking sarili.. naiyak ako sa sobrang asar at inis..inaaliw ko na nga lang ang aking sarili.. sinasabihan ko sarili ko na: "Ok lang yan, minsan ka lang naman maging pangit.. gaganda ka din pagka haba ng buhok mo" pero nde ko talaga mapigilan maiyak sa nakikita ko. Ang nanay ko ay hindi mapakali dahil naaawa sya sa nangyari sa buhok ko.. Sinabihan nalang nya ko ng sige magpa rebond ka nalang para gumanda buhok mo.

Saturday ay sinamahan nya ko sa Jun Encarnacion sa Tutuban. Hay salamat ang sarap ng pakiramdam na magmukha uling maganda. Badtrip na Viola or Violy na parlor sa may Pritil, hinding hindi na tlga ako babalik sa kanila.


Mar 26, 2010

Bago..?

Gumawa ako ng bagong blog kase hindi babagay sa tema ng ibang blog ko ang mga ilalagay ko dito.
Eto ang blog ko kapag wala akong magawa, kapag galit ako o kaya kapag may topak ako. Ito ang magsisilbing talaarawan ko.

Dear Diary,....