May 3, 2010
Adik nako sa Gossip Girl XOXO
Madalas ko marinig ang Gossip Girl XOXO sa mga taong nakapaligid sakin. Nung una ay iniignore ko lang sila dahil ayoko ng kalandiang palabas or yun mga pa-tweetums ang mga bida. Ayoko din ng walang sense or yung wala akong matututunan sa pinanonood ko. Kapag ako nag bukas ng telebisyon, siguradong sa tatlong channel lang pinipindot ko sa remote control. CH 45 Travel and Living dahil hilig ko ang manood ng nilulutong pagkain at ibat ibang pagkain. CH 54 National Geographic at CH 55 Discovery dahil mahilig ako sa Science.
Inintroduce sakin ni MR. Romantiko ang Chuck na punong puno ng action at excitement. Sobrang naadik ako dun dahil andaeng gadget at maactiong spy ang trabaho nya. Pero medyo nag laylow ako sa panonood nun dahil ayoko ng nabibitin ako sa palabas gusto ko kumpletuhin muna ang season 3 bago ko uli sya panoorin.
Inintroduce sakin ni Mrs. Romantiko ang GossipGirl. Nung una ay parang ayoko syang panoorin dahil ayoko nga ng puro kalandian ang matututunan. Pero nagbago ang pananaw ko ng kinuwento sakin ni Mrs. Romantiko na eto ay tungkol sa dalawang baliw na magkaibigan. Hindi naman literal na baliw pero ma-adventure na buhay ang meron sila. Ilang araw ako nabaliw sa Gossip Girl. Ilang linggo ko ito pinagpuyatan para lang matapos ang Season 1 at Season 2. Ngyon ay Season 3 na at episode 19 ang last nila. Powtek badtrip, bitin na bitin ako. Ayoko ng nabibitin sa palabas kaya ayoko panoorin ang Season ng hindi pa tapos lahat ng episode. Kaasar lang talaga malapit ng ma expired un rapidshare ko, pano ko na idodownload ang mga susunod na eksena.
Kanina ay pumunta kami ni payat sa Robinson's Manila para manood ng Iron Man 2. Naalala ko, plano ko nga pala bilhan ng librong mababasa si Payat. Dumaan kami sa PowerBooks at nagpaparinig sakin si payat na gusto nya ang mga sinulat ni Nicholas Sparks. Andae naming librong dinaanan na sinasabi nya na gusto nyang mabasa, pero tuloy padin ako sa pagdeadma. Lumapit kami sa Customer Service at nagtanong kung may Gossip Girl. Sa sobrang kaadikan ko pati librong naisipan kong bilhin para kay payat ay pang young adult na Gossip Girl. Buti nalang at naapreciate nya. Hopefully basahin nya kase yung GreekMythology na binigay ko sa kanya eh bagong bago pa na prang hindi pa binubuklat.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment