May 20, 2010

Citibank Manila agent

Ang larawan sa itaas ay galing dito

Dito sa opis walang permanenteng cubicle. Kapag naiba ang schedule namin, maiiba din ang pwesto at cube namin. Ang pwede lang namin dalhin ay personal things at i-transfer nalang ang mga personal files gamit ang usb stick.

Since September 2009 dito na ko sa cube ko nakaupo until now dito padin ako. Feeling ko nga ay mag cecelebrate ako ng anniversary dito. Masaya naman ako at walang nang gagambala sa katahimikan ko sa pwesto ko.

Nung tuesday ay nagulat ako dahil meron tumatawag sa direct line. Hinahanap ang kaopismate ko. Hala bakit nya sakin hinahanap eh malay ko ba, last year ko pa huling nakita yun. Pero syempre mabait naman ako at malumanay habang kinakausap ang babae sa kabilang linya. Sinabi ko na wala na sya dito at lumipat na ng 17th floor blah blah blah (akala ko internal call lang at taga dito din sya).

Kahapon ay tumawag uli sya, at nag opening spiel uli ako; Thank you for calling **** Escalation Team, This is Ang Babaeng Walang Magawa.. blah blah blah.. Wenk eto na naman sya at hinahanap uli ang ka-opismate ko. Sabi ko ma'am wala po sya dito nasa ibang department na sya at todo explain uli ako. Ang nakapagtataka lang ay ayaw magpakilala ng nasa kabilang line parang napaka unprofessional lang diba.

After an hour tumunog uli ang phone ko pero pinakinggan lang nya ako. Oh diba tatawag sya sa isang Corporate na opisina tapos makikinig lang sya ng boses ng makakasagot sa kanya. Well, dahil sa maguuwian na, deadma nalang akech.

Kanina ay tumawag na naman at eto na naman po kami matinding explanasyon na ata ang kailangan nito. Sabi ko ma'am wala napo sya dito lumipat na ng ibang department asa 17th floor po sya at 23rd floor tong tinatawagan nyo. Humingi sya ng direct line sa 17th floor at sabi ko hindi ko alam kc hindi ko naman talaga alam. Iba ang number na binibigay ko sa mga client ko. Hindi padin sya natigil at gusto nya humingi ng personal info, malay ko ba hindi ko nga alam phone number at cell number nun. Hanggang sa tinanong ko sya kung taga dito ba sya sa building namin. Medyo nagiba ang tono ng boses ng babae sa kabilang linya at pinapafeel nya sakin na iritado na sya sa boses ko. Todo iwas sya sa tanong ko hanggang sa kinulit ko sya kung sino ba talaga sya (napaka unprofessional lang talaga!!) at sinagot lang nya ako Citibank Manila. Hindi nya sinabi yung name nya. Ay sus!! At sabay sabi nun babae sa kabilang line, kung puwede ay sabihin mo sa kanya na tumawag sya dito.

Para sa iyo agent ng Citibank,

Naiintindihan kita dahil ganyan din ang trabaho ko, ang tumawag at magfollow up ng mga client. Hindi ko tinatago ang kaopismate ko dahil hindi ko talaga alam kung andito pa ba sya sa opisina, kung dito pa sya nag ta-trabaho at hindi ko sya personal na kakilala. Paumanhin at hindi ko masagot ang mga katanungan mo dahil hindi ka nagpakilala ng matino nung simula palang kaya limitado ang mga sagot ko sayo. Paumanhin...


No comments:

Post a Comment