May 28, 2010
Sampal
Nararamdaman kong patapos na ang tag-init dahil nagparamdam ito sakin kanina. Dinig na dinig ko ang mga yabog at dabog ng kulog at hangin habang nakahiga ako sa aking malambot na kama. Parang pinaparating nila ang mensaheng "eto na kami nagbabalik para basain at bahain ang mga kalsada". Masaya naman ako dahil nagparamdan sila kanina pero sinindi ko padin ang aircon. Hindi dahil sa mayabang ako at may aircon ako, kundi dahil pumasok ang alimuong sa kwarto at sobrang nanakit ang aking ulo.
Ansarap matulog parang ayokong iwan ang masarap na akap sakin ng tambulolong kong unan. Pilit kong ibinangon ang aking sarili dahil ayokong magkaron ng absent sa buwan ng Mayo. Pilit kong sinuot ang aking damit na parang lumiit sa hindi ko alam na kadahilanan.
Pagsakay ng tricycle, wow ang aking nasabi. Sobrang lamig ang sarap bumyahe, sana palaging ganito pero nakakaantok. Bumaba sa Avenida at sumakay ng jeep papuntang recto. Napansin ko sa kalsada andaeng natutulog, siguro tuwang tuwa din sila dahil magiging mahimbing ang kanilang tulog.
Bumaba ng Recto at sumakay ng jeep papuntang Cubao. Sobrang harurot ng jeep na feeling nya sya si superman. Feel na feel ko ang hangin habang sinasampal nya ako ng malamig nyang palad. Parang akong hinehele para antukin pero hindi maaari dahil delikado baka hablutin ang pinakamamahal kong bag na si Hermes Violeta. Bumaba ako ng Cubao Yale at bangag na bangag habang naglalakad.
Dali dali akong sumakay ng jeep papuntang Eastwood dahil ako lang ang naglalakad sa kalye. Parang ghost town pala ang Cubao kapag malamig ang panahon. nakakatakot baka makakita ako ng multo. Pero napaisip ako, mas gugustuhin ko ng makakita ng multo kesa bumulaga sakin ang mga mas nakakatakot na mandurukot at holdaper. Eto na naman sinasampal na naman ako ng malamig na palad ng hangin.
Nakarating sa wakas sa tapat ng Citibank at tumawid papuntang IBM. Ngyon nararamdaman ko na ang epekto ng sampal. Pero bakit imbis na mukha ko ang manakit at mamanhid, bakit ang likod ko ang sobrang kirot at sakit. Siguro sinagap at nilanghap ko lahat ng hamog sa daan. Dear Ulan, namiss kita. Pero wag mo nang ibabalik si Ondoy baka kasuklaman ka namin muli. Tama na ung tamang yabang at tamang hangin at ulan lang. Welcome back ulan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment