May 28, 2010

Sampal


Nararamdaman kong patapos na ang tag-init dahil nagparamdam ito sakin kanina. Dinig na dinig ko ang mga yabog at dabog ng kulog at hangin habang nakahiga ako sa aking malambot na kama. Parang pinaparating nila ang mensaheng "eto na kami nagbabalik para basain at bahain ang mga kalsada". Masaya naman ako dahil nagparamdan sila kanina pero sinindi ko padin ang aircon. Hindi dahil sa mayabang ako at may aircon ako, kundi dahil pumasok ang alimuong sa kwarto at sobrang nanakit ang aking ulo.

Ansarap matulog parang ayokong iwan ang masarap na akap sakin ng tambulolong kong unan. Pilit kong ibinangon ang aking sarili dahil ayokong magkaron ng absent sa buwan ng Mayo. Pilit kong sinuot ang aking damit na parang lumiit sa hindi ko alam na kadahilanan.

Pagsakay ng tricycle, wow ang aking nasabi. Sobrang lamig ang sarap bumyahe, sana palaging ganito pero nakakaantok. Bumaba sa Avenida at sumakay ng jeep papuntang recto. Napansin ko sa kalsada andaeng natutulog, siguro tuwang tuwa din sila dahil magiging mahimbing ang kanilang tulog.

Bumaba ng Recto at sumakay ng jeep papuntang Cubao. Sobrang harurot ng jeep na feeling nya sya si superman. Feel na feel ko ang hangin habang sinasampal nya ako ng malamig nyang palad. Parang akong hinehele para antukin pero hindi maaari dahil delikado baka hablutin ang pinakamamahal kong bag na si Hermes Violeta. Bumaba ako ng Cubao Yale at bangag na bangag habang naglalakad.

Dali dali akong sumakay ng jeep papuntang Eastwood dahil ako lang ang naglalakad sa kalye. Parang ghost town pala ang Cubao kapag malamig ang panahon. nakakatakot baka makakita ako ng multo. Pero napaisip ako, mas gugustuhin ko ng makakita ng multo kesa bumulaga sakin ang mga mas nakakatakot na mandurukot at holdaper. Eto na naman sinasampal na naman ako ng malamig na palad ng hangin.

Nakarating sa wakas sa tapat ng Citibank at tumawid papuntang IBM. Ngyon nararamdaman ko na ang epekto ng sampal. Pero bakit imbis na mukha ko ang manakit at mamanhid, bakit ang likod ko ang sobrang kirot at sakit. Siguro sinagap at nilanghap ko lahat ng hamog sa daan. Dear Ulan, namiss kita. Pero wag mo nang ibabalik si Ondoy baka kasuklaman ka namin muli. Tama na ung tamang yabang at tamang hangin at ulan lang. Welcome back ulan.

May 25, 2010

Lipat


Dito sa Eastwood ang opisina namin ngyon at dahil sa luma na ang building na inuupahan ng aming company, lilipat na kami sa Ortigas. Nagsisimula ng lumipat ang ibang department pero ihuhuli daw kami. Andae kong gamit sa locker at pati sa cube. Pano ko kaya maililipat itong mga 'to. Malamang ay iuuwi ko nalang sila sa bahay dahil malabong mabitbit ko sila sa bagong opisina.

Si Biebop ( un baboy ko) si BopBop wala na jan kase inuwi ko na nung 2008 pa (si super pig ko). Yung kamay ni Mickeymouse na pillow. Apat na basyo ng pulbos (actually anim yan nawala ang dalawa) at marami pang iba.


May 22, 2010

Puppies


Tulad ng nabanggit ko sa nauna kong entry ay gusto ko magkaron ng tuta pero takot ako mag-alaga. Kaya bumili ako ng pekeng tuta, yung hindi gumagalaw pero kasing cute ng mga totoong tuta. Pag-uwi ko sa bahay ay tuwang tuwa ang mommy ko dahil andae daw nya alaga. Nakakatuwa talaga ang nanay ko.



May 21, 2010

frustrated


Anlaki ng epekto sakin ng bago kong sched kaya eto ako ngyon nagda-diet na wala namang epekto. Eto lang ang lagi kong kinakain sa araw araw dito sa opisina. Pero hindi padin ako pumapayat. May mali ba sa diet ko?

May 20, 2010

Citibank Manila agent

Ang larawan sa itaas ay galing dito

Dito sa opis walang permanenteng cubicle. Kapag naiba ang schedule namin, maiiba din ang pwesto at cube namin. Ang pwede lang namin dalhin ay personal things at i-transfer nalang ang mga personal files gamit ang usb stick.

Since September 2009 dito na ko sa cube ko nakaupo until now dito padin ako. Feeling ko nga ay mag cecelebrate ako ng anniversary dito. Masaya naman ako at walang nang gagambala sa katahimikan ko sa pwesto ko.

Nung tuesday ay nagulat ako dahil meron tumatawag sa direct line. Hinahanap ang kaopismate ko. Hala bakit nya sakin hinahanap eh malay ko ba, last year ko pa huling nakita yun. Pero syempre mabait naman ako at malumanay habang kinakausap ang babae sa kabilang linya. Sinabi ko na wala na sya dito at lumipat na ng 17th floor blah blah blah (akala ko internal call lang at taga dito din sya).

Kahapon ay tumawag uli sya, at nag opening spiel uli ako; Thank you for calling **** Escalation Team, This is Ang Babaeng Walang Magawa.. blah blah blah.. Wenk eto na naman sya at hinahanap uli ang ka-opismate ko. Sabi ko ma'am wala po sya dito nasa ibang department na sya at todo explain uli ako. Ang nakapagtataka lang ay ayaw magpakilala ng nasa kabilang line parang napaka unprofessional lang diba.

After an hour tumunog uli ang phone ko pero pinakinggan lang nya ako. Oh diba tatawag sya sa isang Corporate na opisina tapos makikinig lang sya ng boses ng makakasagot sa kanya. Well, dahil sa maguuwian na, deadma nalang akech.

Kanina ay tumawag na naman at eto na naman po kami matinding explanasyon na ata ang kailangan nito. Sabi ko ma'am wala napo sya dito lumipat na ng ibang department asa 17th floor po sya at 23rd floor tong tinatawagan nyo. Humingi sya ng direct line sa 17th floor at sabi ko hindi ko alam kc hindi ko naman talaga alam. Iba ang number na binibigay ko sa mga client ko. Hindi padin sya natigil at gusto nya humingi ng personal info, malay ko ba hindi ko nga alam phone number at cell number nun. Hanggang sa tinanong ko sya kung taga dito ba sya sa building namin. Medyo nagiba ang tono ng boses ng babae sa kabilang linya at pinapafeel nya sakin na iritado na sya sa boses ko. Todo iwas sya sa tanong ko hanggang sa kinulit ko sya kung sino ba talaga sya (napaka unprofessional lang talaga!!) at sinagot lang nya ako Citibank Manila. Hindi nya sinabi yung name nya. Ay sus!! At sabay sabi nun babae sa kabilang line, kung puwede ay sabihin mo sa kanya na tumawag sya dito.

Para sa iyo agent ng Citibank,

Naiintindihan kita dahil ganyan din ang trabaho ko, ang tumawag at magfollow up ng mga client. Hindi ko tinatago ang kaopismate ko dahil hindi ko talaga alam kung andito pa ba sya sa opisina, kung dito pa sya nag ta-trabaho at hindi ko sya personal na kakilala. Paumanhin at hindi ko masagot ang mga katanungan mo dahil hindi ka nagpakilala ng matino nung simula palang kaya limitado ang mga sagot ko sayo. Paumanhin...


May 19, 2010

Mushroom Burger


Kanina pa naghahanap sa google map or wiki map ang ka-opismate ko para malaman ang daan papunta sa Mushroom Burger. Napansin ko ay mahigit isang oras na sya nagtatanong at naghahanap sa internet ng solusyon sa kanyang problema. Kaya pati ako ay nacurious na kung pano makapunta ng naka kotse. Huling punta ko dun ay taong 2007 pa kaya hindi ko na maalala. Eto ang solusyon sa problema nya. Kudos sa nakaisip at nagpakahirap mag drawing nito. Astig!! salamat!!


,,,,,,,,,Overlook
,,,,,,,,,Deck
\\\\\\\\\\\\\\|..|\\\\\\\\\\\\\\\\\\\Casino\\\\Mus hroom\
To\\\\\\\\\\\|..|\\\\\\\Densios\\\\Filipino\\\\\Bu rger\\\
Palace------ .. -------.................-----------------
nD Sky..<--...O........----->.this way...............
or----------.......-----.................----------------
Peoples\\\\|...^...|\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\McDo\\\\\
Park\\\\\\\\|...|...|Jolibee
\\\\\\\\\\\\\|...|...|\\\\
\\\\\\\\\\\\\|...|...|\\\\
\\\\\\\\\\\\\|From
\\\\\\\\\\\\\|Silang

source: http://tsikot.yehey.com/forums/showthread.php?t=14830


May 10, 2010

Naalala ko lang...


Noong Highschool ako ay gusto ko makapag aral sa PLM dahil ang sabi nila Php 50 lang ang tuition at may Php1000 pang allowance galing kay Mayor Lim. Sobrang iginapang namin ng mommy ko ang entrance exam at ipinakiusap pa para pumasa ako sa naturang eskwelahan. Sakto election maraming tatakbong congressman at councilor ang nag volunteer na kakausapin ang president ng PLM para tanggapin nila ako.

Nanalong Mayor nung panahong iyon si Atienza. Tumaas bigla ang tuition fee sa PLM nagulat lahat ng magulang at mga dating mag aaral. Nawala din ang dating Php 1000 allowance na inaabangan ng karamihan. Biglang nabago ang buhay ng mga taga Maynila ng umupo si corrupt na Atienza.

Mga pagbabagong ngyri sa buhay ng mga taga Maynila:

1. Nagkaron ng Holdapan at snatchan sa Round Table sa Intramuros at mismong harap ng Manila City Hall. Laging target ay mga kawawang estudyanteng nag aabang ng jeep papasok ng eskwelahan at pauwi ng bahay.

2. Naging magulo ang proseso sa Manila City hall, andaeng corrupt na empleyado ang naglipana sa opisina. Para bumilis ang mga inaasikaso mo, kelangan magbigay ng pampadulas.

3. Sobrang sakit sa ulo ang sobrang trapik sa Avenida. Eh pano ba naman ipasara ba naman ni Atienza ang malaking daanan sa Carriedo at gawing park na ginawang tambayan ng mga tambay at pugad ng prostitution at holdapan.

4. BayWalk or Roxas Boulevard, naging tourist spot. Pero naging pugad din ng holdapan at snatchan. Naaalala ko pa nga nabalita sa TV Patrol, Final exam nung panahon na iyon at kelangan magbayad ng tuition ay may na holdap na estudyante sa Baywalk. Tinanong sila kung anong ginagawa nila doon kung may exam naman pala sila, ang sagot nila nagpapahangin lang. Kaya ayun naglaho ng parang bula ang pambayad nila sa eskwelahan.

5. Ang mahabang tulay sa Carriedo papauntang Lawton, pinalagyan nya ang gilid ng tulay ng mga bumbilyang kulay pink na magrereflect sa ilog. Kay ganda nga naman pagmasdan, nakakatanggal pagod at stress pero isang linggo lang nagtagal at nawala lahat ng bumbilya dahil nanakaw. Sinubukan nila palitan ang mga nawalang bumbilya pero dalawang araw lang nawala uli at nawalan na sila ng ganang palitan pa.

Hanggang sa nakagraduate at nakapag trabaho na ako noong 2006 ay si Atienza padin ang Mayor namin. Natatakot ako dahil ang trabaho ko ay sa madaling araw, pano ako babyahe kung mdaming masamang loob ang naglipana sa daan.

3AM ang pasok ko at takot na takot akong magjeep kaya lagi akong nagtataxi. Sa looban pa ang bahay namin at bago ako makapunta sa may sakayan ay may tatlong grupo na nag chochongke/marijuana sa daan ang aking dadaanan. Isang malaking challenge ito para samin ng mommy ko dahil dapat hindi sila mabulabog dahil baka kung ano ang gawin samin kaya kunwari ay hindi namin sila nakita kahit sobrang mausok sa daan. Election na naman sa wakas tatakbo si Mayor Lim nung panahong iyon. Nagkaron ako ng pagasa dahil ang kalaban nya ay ang anak ni Atienza. Malabong manalo ang kalaban dahil wala pang expiriensya.

Laking tuwa naming lahat ng nanalo si Mayor Lim dahil magiging ligtas na uli ang Tondo sa masasamang loob. Isang linggo palang ang nakakaraan after ng election at hindi pa nakakaupo si Lim sa City Hall ay nabalitaan naming nagkakahulihan na sa Tondo. Nililinis na nya ang mga nagkalat na mga nag mamarijuana sa daanan. Malaking puntos ito para sa mahal naming mayor dahil magiging ligtas na uli ang mga daanan sa lugar namin.

Naalala ko pa mismong araw ng panunumpa ni Lim ay ginigiba ang park sa Carriedo at kinabukasan ay muling nadaanan na ang namiss naming maluwag na kalsada. Nawala na ang trapiko sa Maynila at laking ginhawa saming mga pasahero.

Pinaalis ni Lim ang mga bar sa Baywalk, eh pano mga hindi pala nagsisibayad ng renta ang mga owner at kinakalatan pa nila ang lugar. Inubos pala ni Atienza ang pera sa kaban ng Maynila, nawalan budget para sa mga susunod na proyekto. Ang bali-balita pa ay ginamit ang pera para sa caraban at sa magarbong party ni Pacquiao.

Maraming proyekto si Lim at Isko. Nagpatayo sila ng bagong Ospital sa Sta. Anna at Jose Abad Santos. Pinarenovate nila ang Gat Andres Ospital at pinadagdagan ng palapag. Pinarenovate ang lahat ng public school sa elementarya at highschool. Sa tatlong taong termino ni Lim andaeng magandang ngyri at unti unti ng bumabangon ang Maynila.

Kahapon ay election uli, laking pasasalamat namin at si Mayor Lim uli ang nanalo at ang Vice Mayor ay si Isko. Maunlad ang Maynila kapag sila ang nagsama.

Mother's Day


Noong linggo ay nagsama sama kaming magkakapatid para ipagdiwang ang Mother's Day. Parang Fiesta sa dae ng pagkain na hinanda sa hapag kainan. Sobrang saya ko lang dahil kahit gano ka busy ang mga kapatid ko ay sinigurado nilang bakante ang araw na yun para magspent ng time sa nanay namin.

Bumili ako ng cake Chocolate Mousse ng Red Ribbon dahil yun ang paborito ng mommy ko. Sa sobrang init, unting unting gumuguho ang cake kahit kalalabas lang nito sa ref. Kinuhanan kagad namin ng picture ng kuya ko para maagapan habang maganda pa ang itsura nito.


Binilhan ni Payat ng cake ang mommy ko, binili nya ang Chocolate Heaven na isa pa sa paborito ng mommy.

Napakasarap ng feeling kapag nakikita mong buo ang pamilya at sama sama habang kumakain.

May 7, 2010

Kupz lang!!


Nag start maging madaling araw ang pasok ko noong Abril. Wala naman akong reklamo sa schedule ko dahil maluwag naman ang kalsada. Mayor padin namin si Lim kaya walang masyadong nagkalat na snatcher at holdaper sa daan. Sana si Lim padin ang Mayor namin para ligtas ang mga taong pumapasok or umuuwi sa madaling araw. At Maraming pulis ang nagkalat sa daan dahil nalalapit na din ang eleksyon.


Nung first day ko uli sa madaling araw, tinanong ko ang driver kung magkano na ba ang pamasahe papuntang Cubao Yale. Ang sagot ng driver, ganun padin nman tulad last year walang pinag bago Php 15 padin. Kaya kapag nagbabayad ako ng bente pesos sinusuklian ako ng limang piso. O kaya minsan naman sakto na ang binibigay ko at wala namang reklamo ang mga driver na nasasakyan ko.


Pinara ko ang makulay na jeep kanina at napakalakas ng kanyang patugtog kaya dumadagungdong ang speaker ng radyo nya. Inabot ko ang biente pesos ko dahil wala akong barya sa pitaka at sabing sa Cubao po. Sinukli sakin ng manong driver ay dalawang piso. Sabi ko sa kanya, manong manong kulang ang sukli nyo ng tatlong piso. Sagot ni manong driver diba Cubao ka bababa? Sagot ko kay manong, OO manong sa Cubao pero diba Kinse lang ang pamasahe? Sabi ni manong, disi otso ang pamasahe. Sinagot ko ng may pagka pilosopo, parang kahapon lang Kinse binayad ko, nag taas na po ba kaninang umaga? Sagot sakin ni manong ngayon ka lang ba bumyahe at hindi mo alam na disi otso ang pamasahe? Sinagot ko uli sya, manong simula ng Abril ganitong oras ako pumapasok at alam ko kung magkano ang pamasahe. Sinigawan ako ni manong kupz, kung ayaw mo ng pamasahe ko mas mainam na bumaba ka nalang at maghanap ng jeep na papayag sa kinse mo!


Abah abah naman kung hindi ba naman sya kupal na kurakot na manggagancho at ako pa tinakot nya.. Talagang bumaba ako, dahil sayang din ang tatlong piso ko pang dagdag sa pamasahe ko papuntang Eastwood. Ang mga taong ganyan ay hindi aasenso dahil ang iniisip lang nya ay makalamang sa kapwa nya at may karma ang mga yan, hindi lang naman sya ang jeep na nagkalat sa Recto noh.. Kupz talaga!!


May 3, 2010

Tuta


Parang gusto kong bumili ng tuta na parang ayoko. Gusto ko dahil ang cute cute ng shih tzu. Ayoko dahil hindi ako mahilig sa aso.
Naalala ko nung bumisita ako sa bahay ng kaibigan ko, akala ko basahan na mabalahibo ang nakakalat sa pinto nila at nagulat ako dahil aso pala sya. Hindi nila pinapaliguan kaya mukhang dugyot dahil bawal daw sa buntis ang maligo. Hindi ko hinawakan or hinimas ang mabalahibo nilang aso dahil nga takot ako.
Nakakalula pala ang mga presyo nila, nag range sa 10-15K. Hayz, ilalagay ko nalang sa savings ko ang halagang iyan.
Para saan itong entry kong ito..? Wala lang naisip ko lang naman.. Hindi ko kase mapigilang hindi titigan itong cute na asong ito.


Adik nako sa Gossip Girl XOXO



Madalas ko marinig ang Gossip Girl XOXO sa mga taong nakapaligid sakin. Nung una ay iniignore ko lang sila dahil ayoko ng kalandiang palabas or yun mga pa-tweetums ang mga bida. Ayoko din ng walang sense or yung wala akong matututunan sa pinanonood ko. Kapag ako nag bukas ng telebisyon, siguradong sa tatlong channel lang pinipindot ko sa remote control. CH 45 Travel and Living dahil hilig ko ang manood ng nilulutong pagkain at ibat ibang pagkain. CH 54 National Geographic at CH 55 Discovery dahil mahilig ako sa Science.

Inintroduce sakin ni MR. Romantiko ang Chuck na punong puno ng action at excitement. Sobrang naadik ako dun dahil andaeng gadget at maactiong spy ang trabaho nya. Pero medyo nag laylow ako sa panonood nun dahil ayoko ng nabibitin ako sa palabas gusto ko kumpletuhin muna ang season 3 bago ko uli sya panoorin.

Inintroduce sakin ni Mrs. Romantiko ang GossipGirl. Nung una ay parang ayoko syang panoorin dahil ayoko nga ng puro kalandian ang matututunan. Pero nagbago ang pananaw ko ng kinuwento sakin ni Mrs. Romantiko na eto ay tungkol sa dalawang baliw na magkaibigan. Hindi naman literal na baliw pero ma-adventure na buhay ang meron sila. Ilang araw ako nabaliw sa Gossip Girl. Ilang linggo ko ito pinagpuyatan para lang matapos ang Season 1 at Season 2. Ngyon ay Season 3 na at episode 19 ang last nila. Powtek badtrip, bitin na bitin ako. Ayoko ng nabibitin sa palabas kaya ayoko panoorin ang Season ng hindi pa tapos lahat ng episode. Kaasar lang talaga malapit ng ma expired un rapidshare ko, pano ko na idodownload ang mga susunod na eksena.

Kanina ay pumunta kami ni payat sa Robinson's Manila para manood ng Iron Man 2. Naalala ko, plano ko nga pala bilhan ng librong mababasa si Payat. Dumaan kami sa PowerBooks at nagpaparinig sakin si payat na gusto nya ang mga sinulat ni Nicholas Sparks. Andae naming librong dinaanan na sinasabi nya na gusto nyang mabasa, pero tuloy padin ako sa pagdeadma. Lumapit kami sa Customer Service at nagtanong kung may Gossip Girl. Sa sobrang kaadikan ko pati librong naisipan kong bilhin para kay payat ay pang young adult na Gossip Girl. Buti nalang at naapreciate nya. Hopefully basahin nya kase yung GreekMythology na binigay ko sa kanya eh bagong bago pa na prang hindi pa binubuklat.